No. 36 • Wind & Spaces

Poems from Pitik-Bulag



(This is the first in series of excerpts from Pitik-Bulag: A Celebration of Contemporary Filipino Art & Poetry, an interactive exhibit and coffee table book featuring the GSIS Museum collection of Filipino art and newer paintings and poetry by Filipino artists and poets. Edited by national artist for literature Virgilio S. Almario, co-edited and translated by Marne L. Kilates, and designed by Fidel Rillo. Starting this issue, poet'sPicturebook features an excerpt of one or two poems and their corresponding paintings from the book for the ezine's 2010 edition.)




Edgar Calabia Samar


Walang Diwata ng Apoy

Naunang natupok sa kanya ang ating mga alaala.
Nilimot natin siya gaya ng pagsunog sa mga bagay

na atin nang iniiwan sa nakaraan. Kaya ngayon,
wala na tayong mabalikan kundi ang hinagpis

ng ibang diwata: Cacao, Makiling, Sinukuan.
Tumititig tayo sa pingkian at nagugulumihanan

kung bakit walang nananahang alamat
ng apoy sa sulok nitong ating dibdib at malay.

Sinong ada ang nagnakaw ng ningas kay Ladlao,
diyos natin ng araw, upang matigib itong katawan

ng init ng buhay? Mga mangingibig tayong tigib
ng pagal ang kahapon sa sumpang tag-init

at tag-ulan bawat taon. Binubuhay ng pagkakaingin
sa gubat, ano't nagugulat pa rin tayo sa haplit-babala

ng mga bagay na likas: kay lakas ng ihip ng hangin
at baha sa pusod ng lungsod na binagyo; bitak

naman ang lupa sa bayang niyugyog ng lindol.
Namamad itong ating damdamin sa paghahalo

ng tubig, lupa at hangin, kaya itinatanong natin:
kailan naman ang pagliyab ng apoy sa dibdib?

Namaalam marahil siya noon habang ang gubat
ay naglalagablab, at abong naiwan tayong umibig

sa kanya nang di-nararapat sapagkat karaniwan:
lumalapit pa lamang ay natutupok na ang katawan.

Kaya sinasabi natin ngayon: walang diwata ng apoy,
habang tayo'y nananaghoy sa mga biktima ng sunog

o hindi makatulog sa lamig ni Amihan kapag tag-ulan.



























Art: Leonardo Aguinaldo, Walang Diwata ng Apoy;
Painting photograph: Harvey Tapan



There is No Fire Goddess

The first to be consumed in her were our memories.
We forgot her the way we burned things

that we wanted consigned to the past. That’s why now
we could return to nothing but the grief

of other goddesses: Cacao, Makiling, Sinukuan.
We stare at the conflict and wonder

why no myth of fire resides anywhere
within our breast and consciousness.

What nymph stole Ladlao’s flame,
our sun god, to fill her body

with life’s warmth? We are lovers whose past
spill with emptiness yearly in the dry

and rainy seasons. Surviving on our swiddens
burned out of forest, why are we frightened still by the slash

and warning from nature: wind thrashing
and floods raging in heart of city lashed by typhoon; earth

cracking in parts visited by temblors.
Our hearts are numb in the mingling

of water, earth, and wind, that’s why we ask:
when will it rage, the fire in the breast?

She must have disappeared at the time when forests
were burning, and we were ashes who were left loving

her—which was forbidden because it was ordinary:
if we got just a bit closer our bodies burned.

And so we say now: there is no fire goddess,
even as we grieve over victims of conflagration

or can’t sleep in Amihan’s cold during the rainy season.


(Translation: MLK)


^TOP^