Reuel Molina Aguila

Ang Tag-araw ay Nasa Kanyang mga Mata

Ang tag-araw ay nasa kanyang mga mata
Namumukadakad ng libong bulaklak
Inggit ang bahaghari sa maniningning na kulay
At ang buong umaga’y pag-ibig ang halimuyak

Hanging amihan at langitngit ng kawayan
Nag-iimbitang manguyakoy tayo sa duyan
Pipi ang batis sa lagaslas ng pawisang katawan
At ang buong hapon ay nabasag na katahimikan

Walang ulap na gabi at dama de noche
Dilag kitang gumagapi sa liwanag ng libong tala
Buwa’y nahihiya at naghahanap ng matataguan
At ang buong gabi’y hardin ng mga halik

Nasa kanyang mga mata ang tag-araw
At siya ay akin kahit man lang sa tag-araw na iyon







The Summer was in Her Eyes

The summer was in her eyes:
A thousand buds opening,
Rainbow envious of the color,
All morning was the scent of love.

Breeze rustling the bamboo
Enticed us to laze in the hammock;
The quiet stream welcomed splashing bodies,
And the afternoon gave up its silence.

Cloudless night and dama de noche,
Starlight failed in our splendor;
The shy moon was frantic to hide,
The night blossomed—a garden of kisses.

The summer was in her eyes
And she was mine for that summer.

(Translation: MLK)

^TOP^